(Makilala, North Cotabato/ October 27, 2015)
---Sinalakay at sinunog ng mga nasa humigit kumulang 20 mga rebeldeng grupo ang
detachment ng mga sundalo sa Brgy. Luna Sur, Makilala, North Cotabato alas 8:45
kagabi.
Sa report na nakarating kay PCI Bernard
Tayong, tagapagsalita ng CPPO hinarrass ng mga pinaniniwalaang mga New People’s
Army o NPA ang detachment ng 39IB, Philippine Army na nakabase sa lugar.
Bukod dito, sampung mga armadong kalalakihan
din ang dinisarmahan ang mga secusity guard na naka-duty sa palettizing na
pag-mamay-ari ng DOLE stanfilco at tinangay ang 1 unit ng shotgun, 2 38
revolver at sinunog ang dalawang units ng container van na nakaparada sa loob
ng nasabing compound.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon sa nasabing insidente. Rhoderick
Beñez


0 comments:
Mag-post ng isang Komento