Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 katao, huli sa illegal gambling games ‘hantak’

(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang apat katao na sangkot sa illegal number games na hantak makaraang mahuli sa Jacinto St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Puti Lampatan Lu, 29-anyos, residente ng Mapanao Extension; Mar Sambutol Tangkli, 35-anyos, residente ng Pagagawan, Maguindanao; Komo Magana Pagaduan, 33-anyos, tunggol, Maguindanao at Ogis Lumanggal Kinidal ng Purok Sunrise, Poblacion, Kabacan.

Nakumpiska sa mga suspek ang plastic bottle ng Johnson’s Baby Powder, PC Steel ring, dalawang barya at bet money na nagkakahalaga ng P370.00, ito ayon sa report ni PI Maxim Peralta ng Kabacan PNP.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang apat na mga nahuli.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng kampanya ng Kabacan PNP laban sa illegal na sugal na talamak sa bayan ng Kabacan.

Ayon sa report, hindi lamang hantak ang talamak na illegal na sugal kundi maging ang illegal number games na mas kilala sa tawag na last two.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento