Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na responsable sa pagpatay sa isang pulis sa Pikit, Cotabato; pormal ng kinasuhan

(Pikit, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Pormal ng kinasuhan ang suspek na responsable sa pagpatay sa isang pulis sa Pikit, Cotabato.

Ito ayon kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP.

Kinasuhan nila ng murder si Misuari Mangansakan na sinasabing suspek sa pagpaslang kay PO2 Anwar Batingkay kasapi ng Pikit PNP at residente ng Kidapawan City sa lalawigan.

Si Batingkay ay pinagbabaril sa Sitio Lamak, Poblacion sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:15 ng umaga noong Hulyo a-7 ng kasalukuyang taon.

Ang kaso ay isinampa ng Pikit PNP sa Cotabato Prosecutors Office na may NPS Doc No.XII-06-INV-15F-00355. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento