Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Personal grudge at Robbery, tinitingnang anggulo sa pagbaril-patay sa mag-asawa at isang dalagita sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ July 14, 2015) ---Personal grudge at pagnanakaw ang tinitingnang anggulo sa pagbaril –patay sa mag-asawa at isang dalagita sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato noong Sabado alas 8 ng gabi.

Ito ang inihayag ni PSI Ronnie Cordero OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news.

 Ipinaliwanag din ng opisyal na nawawala ang Kia Avila, kulay itim na may plaka numero MCY 220 na sasakyan ng biktima na posibleng ginawang get-away vehicle ng mga suspek.


Sa joint investigation ng Kabacan PNP at ng SOCO team napag-alamang kabilang sa mga nawawalang gamit sa bahay ng mga biktima ang digital electronic stove na nagkakahalaga ng 64 thousand, portable chainsaw na nagkakahalaga ng 11 thousand, isang set ng desktop computer, 2 units ng handheld radios, 1 unit air compressor na nagkakahalaga ng 6 thousand, 1 unit Samsung Galaxy cellphone, 3 units cellphone na nagkakahalaga ng 25 thousand, wristwatch na nagkakahalaga ng 8 thousand at di pa maestimate na halaga ng pera.

Inihayag din ni PSI Cordero na posibleng kilala ng mga biktima na sina Roger Gracia , ang asawa nito na si Milcha Gracia at ang pamangking dalagita na si Danny Anne Dapon Gracia ang mga suspek dahil siniguro talagang patayin ang mga ito nang pagbabarilin sa ulo na nakadapa gamit ang calibre.45 at M16 na baril. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento