
Kinilala ni P/Ins. Sindato Karim, OIC
hepe ng Pikit PNP ang biktima na si PO2 Anwar Batingkay, kasapi ng Pikit PNP at
residente ng Kidapawan City sa lalawigan.
Batay sa ulat, nakatayo lamang
malapit sa isang tindahan ang biktima ng ito ay pagbabarilin.
Nagtamo ng maraming tama ng bala mula
sa pinaniniwalaang matataas na kalibre ng baril ang biktima na naging dahilan
ng agaran nitong kamatayan.
Naisugod pa sa pinakamalapit na bahay
pagamutan ang biktima pero di na ito umabot pa ng buhay.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
pagsisiyasat ng mga otoridad upang alamin ang totoong motibo sa nasabing
krimen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento