Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-live-in, panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Nagbigay ngayon ng paalala ang Kabacan PNP sa mga mamamayan sa bayan na doblehin ang kanilang pagbabantay sa kanilang sasakyan matapos na maitala ang panibagong nakaw motorsiklo sa bayan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP, naganap ang insidente sa Brgy. Katidtuan nitong weekend araw ng sabado.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, na alas 4:00 ng madaling araw ng matuklasan ng mag live-in partner na kinilalang sina Ella Hayag Mangay-ayam, 38 anyos at isang Severino Tanallon, 47 anyos, isang Security Guard na pawang mga residente ng nasabing lugar na nawawala na ang kanilang Honda XRM 125 na motorsiklo, kulay pula, may plakang 8215 LE na pagmamay-ari ni Severino.

Nakaparada lamang umano sa loob ng kanilang bahay ang motorsiklo at kinadena pa umano nila ito.

Pinutol umano ng mga di pa nakikilalang mga suspek ang kadena na nakatali sa motorsiklo at pinutol rin ang kandadong ng kanilang steel gate.

Sa ngayon ay patuloy pang iniembistigahan ng Kabacan PNP ang nasabing insidente. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento