Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sekyu, sugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa isang bahay pagamutan ang isang security guard matapos pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Public Market ng bayan ng Pikit, Cotabato akas 6:45 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PI Sindatu Karim ang biktima na isang Jesilito Yakap, 28 anyos, isang Security Guard sa isang business establishment sa bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, namamalengke lamang umano sa gulayan ng nasabing pamilihan ang biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek.


Tinamaan ang biktima sa kanyang dibdib at tumagos pa sa kanyang likod ang bala mula sa di pa matukoy na uri ng baril.

Agad isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan ang biktima upang mabigyan ng agarang lunas.

Sa ngayon nasa maayos na umanong kalagayan ang biktima habang hinihintay nilang mahingan ito ng testimoya.

May posibilidad kasi umano na natandaan ng biktima ang pagmumukha ng bumaril sa kanya.


Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng  Pikit PNP ang nasabing insidente. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento