Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kasapi ng PNP lalahok sa Post Blast Investigation Training Course sa Amerika

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Dalawang kasapi ng Philippine National Police o PNP mula sa North Cotabato  ang nakatakdang lumipad patungo sa Estados Unidos para lumahok sa Post Blast Investigation o PBI course na gaganapin sa North Carolina sa Amerika ngayong June 2-18, 2014.


Ito ay sina Police Chief Inspector Joffrey Todeá¹…o at PO3 Luther Todeá¹…o na kapwa miyembro ng PNP- North Cotabato Explosive Ordinance Disposal Team.

Ang magkapatid na Todeá¹…o ay dalawa lamang sa dalawamput- apat na PNP personnel mula sa iba’t- ibang bahagi ng bansa na mapalad na naimbitahan ng United States Embassy para sumali sa nabanggit na training.


Ang PBI course ay bahagi ng Diplomatic Security Service and Anti-Terrorism Assistance Program ng bansang Amerika.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento