Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Umano’y paggamit ng mga sundalo sa sibilyan bilang guide, paninira lamang ayon sa Militar

(Magpet, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Iginiit ni 57th IB Commanding Officer Lt. Col Nilo Vinluan na hindi gawain ng mga sundalo na gumamit ng sibilyan bilang guide sa kanilang military operations.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos lumabas ang dalawang sibilyan na taga Barangay Imamaling sa Magpet at binunyag na ginamit umano silang pain at guide ng mga sundalo.


Ayon kina Lucas Asperalta at Angking Mallano na sapilitan silang kinuha ng mga sundalo at ginamit na guide sa operasyon ng 57th IB noong nakalipas na Martes.

Ayon sa dalawa, takot silang mabugbog ng mga ito kaya sumama na lang sila kahit labag sa kanilang kalooban.

Malaki naman ang paniniwala ni Vinluan na mga myembro ng MASA ang dalawa at sumusuporta sila sa New Peoples’ Army kaya sinisiraan nila ang militar.


Para naman mabigyan ng aksiyon ang kanilang reklamo laban sa mga sundalo, hinamon nito ang dalawa na magsumbong sa kanilang battalion upang sa ganun ay matuwid ang mga likong gawain ng ilang mga sundalo sa ginagawang operasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento