Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Guro at principal tinambangan; 1 patay

(Midsayap, North Cotabato/ April 1, 2014) ---Napaslang ang 36-anyos na guro sa elementary school habang sugatan naman ang kasama nitong principal matapos na tambangan ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Sitio Camansi, Barangay Central Glad sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ang napatay na si Romy Valenzuela, Grade lll teacher/adviser habang sugatan naman si Farida Campaniel na kapwa taga-Nes Elementary School sa nabanggit na bayan.


Sa ulat ng pulisya, papauwi at magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa mula sa district meeting nang tambangan pagsapit sa nasabing barangay.

Naisugod pa sa Midsayap Diagnostic Center and Hospital ngunit binawian ng buhay si Valenzuela na napuruhan sa likod na tumagos sa dibdib habang patuloy na ginagamot si Campaniel na tinamaan sa puwit at kamay.


Hanggang sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa motibo ng pananambang sa mga biktima. Rhoderick Beñez PSN

0 comments:

Mag-post ng isang Komento