Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

18-anyos na binata, arestado sa Droga

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 18-anyos na binata makaraang mahulihan ng illegal na droga sa Corner Mantawil St., at Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:50 kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Franz Kenneth Dulay Araniego, single, out of School youth at residente ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.


Makuha mula kay Araniego ang 2 piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot na mas kilala sa tawag na shabu.

Sa ngayon nakakulong ang suspek sa Kabacan lock up cell habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito na paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa tawag na comprehensive dangerous drugs act of 2002. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento