Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng bigas, tumaas sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Dismayado ngayon ang ilang mga KabakeƱos matapos na tumaas ang presyo ng Bigas sa Kabacan, North Cotabato.

Batay sa pinakahuling monitoring ng DXVL Price alert mula sa Pamilihang bayan ng Kabacan.


Kabilang sa mga gumalaw na presyo ng bigay ay ang Masipag na dati ay P39 ngayon ay P40; Toner P39 ngayon ay P40.

Habang P37 naman ngayon ang Matatag na dating P36.

Ang M3 na dating P36 ngayon ay P37.


Ayon sa ilang mga naglalako ng bigas, tumaas ang presyo nito sa pagpasok ng taong 2014.

Sinabi naman ng mga negosyante na wala silang magawa sa pagtaas ng presyo ng bigas kundi taasan ito dahil kung hindi ay sila rin ang malulugi.

Nananawagan naman ang ibang mamimili na huwag muna agad magtaas ngayong bagong taon dahil sa hindi pa sila nakakaluwag sa mga gastusin sa nagdaang pasko at bagong taon. Rhoderick Benez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento