Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga pamilya sa isang Barangay sa Kidapawan City, hinarras, apektadong pamilya nagsilikas dahil sa tensiyon

(Kidapawan City/ January 6, 2014) ---Tensyunado ngayon ang Sitio Nazareth, sa isang barangay sa Kidapawan City matapos na sinalakay ang ilang mga ilonggo settlers doon ng pangkat ni Kumander Satar kamakalawa.

Sa report ng Kidapawan City PNP kahapon, ilan na sa mga pamilya doon ang nagsilikas matapos na maipit sa sagupaan ng mga grupo ng ilonggo at ng tropa ni Kumander Satar.

Nag-ugat umano ang hidwaan matapos na mapatay ng mga ilonggo group ang isa sa mga tauhan ni Satar noong Disyembre a-28 ng nakaraang taon.

Pero nito lamang enero a-2 gumanti ang pangkat ni Kumander Satar kungsaaan nagresulta sa pagkakalikas ng ilang mga pamilya ng mga biktima noong pang Sabado.


Ayon sa report, may panaka-naka pa umanong putukan hanggang kahapon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento