Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Notoryos na Kawatan, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Arestado ng Kabacan PNP ang pinaniniwalaang notoryos na magnanakaw sa may USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:40 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP habang nasa isang social gathering umano ang biktima na kinilalang si Raymond Escobar, 31-anyos, resident eng Bonifacio St., ng bayang ito ay ki-corner ito ng isang di pa nakilalang suspek at binuksan ang dala nitong sling bag.



Tinangay ng suspek ang gamit ng biktima kasama na ditto ang kanyang cash na nagkakahalaga ng P12K, Land Bank ATM, at mga school id cards.

Dahil sa maagang pagresponde ng mga pulisya at sa turo na rin ng biktima ay na aresto ang suspek na kinilalang si Sabah Ibrahim, nasa tamang edad at resident eng Brgy. Magatos ng bayang ito.

Sa ngayon kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal sa Kabacan lock up cell ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento