Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sugatan sa vehicular accident sa highway ng Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Sa ospital ang bagsak ng isang 43-anyos na mister matapos na mabundol ng isang motorsiklo sa highway ng Antipas-Arakan, partikular sa harap ng Kamayan restaurant sa Poblacion ng Antipas, North Cotabato alas 4:45 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ng Antipas PNP ang biktima na si Henry Valenzuela residente ng nabanggit na lugar.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nawalan umano ng control ang motorsiklo na minamaneho ni Rojen Cabrito na isang Kawasaki Furry na walang plaka at dumirito sa shouldering ng highway.

Dahilan para mabangga nito ang biktima.

Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan.

Habang nagtamo naman ng pinsala ang minamaneho nitong sasakyan.


Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng Antipas PNP sa naturang aksidente. Rhoderick Benez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento