Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Truck vs tricycle; bata dedo

(Kidapawan City/ November 4, 2013) ---Humabol sa araw ng mga patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos binawian ng buhay ng masangkot sa aksidente sa daan sa Kidapawan City noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Joven Igcalinos residente ng nabanggit na lugar na kungsaan binawian nan g buhay matapos mabangga ng pick-truck ang sinasakyan nitong tricycle sa Quezon, Boulevard ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, nakaparada ang tricycle sa harap ng isang tindahan nang bigla na lamang ito mabangga ng pick-up truck na minamaneho ni Sherwin Te na taga Davao City.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang tricycle at bumangga sa isang nakaparadang ten-wheeler truck.

Matinding sugat sa katawan ang tinamo ng batang biktima na agad isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento