Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Militar vs. armed group; 1 todas, 1 sugatan

(Pikit, North Cotabato/ November 28, 2013) --- Isa ang napaslang sa isinagawang operasyon ng mga otoridad kontra sa notoryos na pugante sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato ala 1:00 ngayong hapon lamang (November 26, 2013).

Ayon kay PCInsp. Joefrey Todeno, hepe ng Pikit PNP nagsasagawa sila ng pinagsanib na operasyon sa lugar para matunton ang puganteng si Datukan Samad na mas kilala sa tawag na  Kumander “Lastikman”.


Pero nagpang-abot sa lugar ang pangkat ni Lastikman at ang pwersa ng pulisya, militar at ilan pang elemento ng otoridad kaya nagkabakbakan ang mga ito.

Isa ang patay sa panig ng armadong grupo na kinilalang si Ramon Bantolinay kungsaan naabot ng pulisya ang bangkay nito na may nakasalukbit pang M16 at bandoler.

Habang isa naman ang sugatan sa panig ng gobyerno na kinilalang si P02 Soriano.

Patuloy ngayong tinutugis ng mga otoridad si Lastikman kungsaan nagpapatuloy pa ang putukan sa lugar habang ginagawa ang balitang ito.

Nabatid na si Commander Lastikman ay nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal sa Central Mindanao  kagaya ng robbery hold-up, sangkot din sa mga kidnapping, extortion, multiple murder at multiple frustrated murder

 Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento