Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DepEd teacher, inireklamo sa pulisya matapos manapak ng kawani ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2013) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang empleyado ng LGU Kabacan, ito para ireklamo ang ginawang pananapak at pagsabunot sa kanya ng isang guro.

Kinilala ang guro na si Sahida Kaup na di umano’y nanapak at nanabunot ng isang walang kalaban-laban na kawani ng LGU sa loob pa mismo ng isang malaking grocery store sa Kabacan noong hapon ng Miyerkules (November 20, 2013).


Ayon sa report, bigla umanong sinugod ng nasabing guro ang di nagpakilalang empleyado ng LGU Kabacan sa di malamang dahilan.

Nagtamo ng sugat sa leeg ang biktima matapos suntukin ng guro.

Walang pang paliwanag ngayon ang guro kung bakit nito ginagawa. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento