Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

46-anyos, panibagong biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 28, 2013) ---Sugatan ang isang 46-anyos na si Filipinas Dayuan matapos pagbabarilin ng tatlong mga di pa nakilalang suspek sa may bahagi ng Bonifacio St., Kabacan, Cotabato alas 4:00 kamakalawa.

Ang biktima ay residente Brgy. Lower Paatan ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Cotabato Police Provincial Office, papunta umano ang biktima sa simbahan sakay sa kanyang motorsiklo na bigla na lamang hinarangan ng tatlongmga suspek at walang abu-abong pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistol.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa National Highway sakay sa motorsiklong walang plaka.

Nagtamo ang biktima ng tatlong tama sa tiyan at sa kanyang bewang.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Kidapawan Specialist Center para mabigyan ng medikal na atensiyon. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento