Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa pagbaril sa 48-anyos na lalaki sa Kabacan, tukoy na ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2013) ---Tukoy na ng Kabacan PNP kung sinu ang mga suspek sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Salapungan, Kabacan, Cotabato noong Huwebes ng hapon.

Bagama’t di muna isinapubliko ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP ng pagkakakilanlan, may sinusundan na ring motibo ang kanyang mga imbestigador sa nasabing insedente.

Aniya, posibleng rido ang dahilan sa nasabing pamamaril, ayon na rin sa pahayag ng brgy Kapitan ng Salapungan, ayon sa report.

Naglalako kasi ng mga kitchen wares ang mga biktima at pauwi na sakay sa tricycle ng pagbabarilin.

Isa ang patay na kinilalang si Nonoy Alera ng Kidapawan City, sugatan naman ang isa pa na si Guerero Jalipa habang nakatakas ang isang kasama nila na siyang nag-sumbong sa pulisya.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa nasabing insedente.(Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento