Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

One Strike Policy ng PNP dahilan ng pagkakalipat ng bagong Police Director ng Kidapawan City PNP


(Kidapawan City/ April 19, 2013) ---Umpisa na kahapon ang panunungkulan ng bagong itinalagang PNP Chief na si Supt. Chino Mamburam na nagsilbing hepe ng PNP Kidapawan mula Oct. 2008 hanggang Feb. 2012.

Pinalitan ni Mamburam sa posisyon bilang Police Director ng Kidapawan City PNP si Supt. Joseph Semillano kahapon.

Ang turn-over ceremony isinagawa sa Kidapawan city Police Station kahapon ng umaga.

Si Semillano naman ay inilipat sa Police Regional Office 12 sa General Santos City at hahawakan umano nito ang iniwang puwesto ni Mamburam.

Ang transfer ni Mamburam ay naganap sa panahon ng kampanya na mahigpit namang ipinagbabawal ng comelec, ito dahil sa eleksiyon ban.

Depensa naman ni North Cotabato PNP Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta nabigyan raw ng approval at clearance ng COMELEC Regional Office ang transfer ni Mamburam at pati na ang kay Semillano.

Sinabi rin ni Peralta na bahagi ng One Strike Policy ng PNP ang pagkakalipat ni Semillano. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento