Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Patay sa ambush sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/April 15, 2013) ---Patay ang dalawa katao makaraang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Isuzu Hilander sa National Highway, Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato, pasado alas 3:00 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Daniel Hermo Simon, 53 at Felixberto Badayos kapwa residente ng Old PC Baraacks, Sudapin, Kidapawan City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan nangyari ang insedente ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni Vilma Balajadia na nasa Purok 1 ng nabanggit na lugar.

Tinatahak umano ng mga biktima ang kahabaan ng National Highway sakay sa Isuzu Hilander kulay berde na may plate number LDG 620 lulan ang kasamang pasahero na nakilalang sina Nain Geroche at Rey Badayos residente din ng nasabing lugar ng pinagbabaril ang mga ito gamit ang mataas na kalibre ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdin si Badayos habang pitong tama naman ng bala ang tumama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Simon na mabilis namag isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit ilang sandali lamang ay binawian na rin ito ng buhay.

Di naman nasaktan ang dalawang mga pasahero, ayon sa report.

Agad namang ikinasa ng Matalam PNP ang hot pursuit operation para sa ikadarakip ng suspek pero nakatakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre .45 na pistol.

Sa ngayon inaalam pa ng Matalam PNP kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez/DXVL News)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento