Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lolo natagpuang patay makaraang pagbabarilin sa Pikit, Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ April 24, 2013) ---Patay na ng matagpuan ng mga residente ang isang 71-anyos na lolo makaraang makaraang pagbabarilin sa Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Bienvenido Pano, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito at sa leeg na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang anim na empty shells at 1 slug ng kalibre .45 na pistol na siya’ng ginamit ng mga salarin sa pagpaslang sa biktima.

Ayon sa mga residente sa lugar, may narinig umano silang alingawngaw na putok ng baril dalawang oras bago natagpuan ang biktima.

Sinabi ni Maribojo na ang mga narekober na ebedensiya ay isusumite nila sa crime laboratory para sa eksaminasyon at cross matching test.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang motibo sa pagpasalang kay Pano habang tinutugis na sila ang mga responsible sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento