Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao, arestado dahil sa illegal na sugal sa Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ April 24, 2013) ---Arestado ang tatlo katao makaraang mahuli ng mga otoridad dahil sa pagpapataya ng illegal na sugal sa Poblacion ng Pikit alas 3:00 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ni P/CInps. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang mga nahuli na sina: Anajoybel Quizon, nasa tamang edad, Elizabeth Nayona at Jovy Santander lahat residente ng bayan ng Pikit.

Nakuha mula sa posisyon ng mga suspek ang gambling paraphernalia’s at bet money na abot sa P11,705.00.

Ang tatlo nagpapataya ng illegal games of chance na mas kilala sa tawag na last two at last three.

Sinabi ni Maribojo na mas pinaigting nila ngayon ang kampanya kontra illegal na sugal sa bayan ng Pikit, ito dahil sa talamak ang nasabing gawain sa lugar at maging sa buong probinsiya ng Cotabato.

Nanguna sa nasabing operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Pikit PNP, Provincial Headquarters, Cotabato Police Provincial Office Intelligence Operatives sa ilalim ni SP03 Jose Elmer Cornelio.

Ayon kay Maribojo, magtuloy-tuloy ang kanilang operasyon hanggang sa mahuli angmga malalaking isda na financier ng illegal na sugal sa nabanggit na bayan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento