Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang Tindahan ng motorcycle parts sa Kabacan, ninakawan


(Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Ninakawan ang isang tindahan ng motor parts ng mga ‘di pa nakikilalang salarin sa Osias, National highway,  Kabacan Cotabato dakong alas tres y medya hanggang alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Napag-alaman na ang tindahan ay pagmamay ari ni Oscar Fernandez , residente ng nabanggit na lugar. Ayon sa kanya, tinangay ng mga kawatan ang trenta  piraso ng ipinagbibili niyang gulong ng motorsiklo  na napag alamang nakalagay o nakapwesto lamang sa labas ng kanyang tindahan. 


Dagdag pa aniya, pwersahan pa diumanong sinira ng mga salarin ang padlock ng kadena na nagdudugtong at nagtatali sa mga gulong ng motorsiklo kaya’t nagawa nilang tangayin ang lahat ng mga ito.

Patuloy naman sa imbestigasyon ang ginagawa ng Kabacan-PNP sa naturang pagnanakaw. (Chriss Corpuz, DXVL NEWS)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento