Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, huli sa isang buy bust operation sa Kabacan!


(Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Huli sa isang buy bust operation ang isang lalaki sa harap ng isang lumber yard malapit sa Polido Video-K House sa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 5:10 ng hapon, kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Datua Sambatua Sanggania, 25 anyos, magsasaka at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.


Nanguna sa nasabing operasyon si Task Force Krislam Head P/Insp. Tirso T. Pascual kasama ang iba pang pulis ang nasabing buy bust operation gamit ang isang 500 peso bill bilang marked money.

Narekober sa suspek ang isang sachet ng methamphetamine hydrochloride o mas kilalang shabu at perang nagkakahalagang 1,340 pesos kabilang na dito ang marked money na ginamit ng otoridad.

Dagdag pa rito, pansamantalang naka-impound sa Kabacan MPS ang XRM 110 kulay asul na ginamit umano ng suspek.

Sa ngayon, pansamantalang nasa kustodiya ng mga otoridad ang suspek habang naghihintay pa ng mga posibleng kasong isasampa sa kanya. Debby Piñero, DXVL News! 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento