Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dalawang uri ng propaganda, inilunsad ng mga raliyista sa USM!


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Isinasagawa ng mga raliyista ang dalawang uri ng propaganda sa harap ng Admin Building at sa labas ng pamantasan ngayong araw.

Ayon kay Kabataan Partylist representative, Darwin Rey Morante, isa sa mga propagandang ilulunsad nila ngayon ay ang paaralang bayan kung saan tinatalakay dito ang serye ng mga socio-political issues at educational system lectures upang mabigyan ng kaalaman ang iba pang estudyante kaugnay sa mga nangyayaring rally sa pamantasan.


Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang pagbibigay impormasyon hinggil sa propaganda education team na binubuo ng mahigit kumulang 50 estudyante sa mga boarding houses ng mga USM students na kung saan libre nilang isinasalin ang mga kaalaman at mga isyu ng pamantasan.

Dagdag pa aniya, magpapatuloy pa rin ang paaralang bayan sa susunod na linggo at hindi rin daw sila aalis sa harap ng Admin dahil ipinaglalaban pa rin nila ang interes ng mga estudyante na makapag-aral ng maayos sa pamanatasan. Debby Piñero, DXVL News!

0 comments:

Mag-post ng isang Komento