Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ginang natagpuan patay sa loob ng mismong bahay nila sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Natagpuan patay ang isang 39-anyos na Ginang sa loob mismo ng kanyang bahay sa isang malayong brgy. Sa bayan ng Magpet, North Cotabato alas 12:30 kahapon ng hapon.


Ayon kay police office 3 Redentor Siangco, mismong imbestigador ng kaso ng Magpet PNP, kinilala nito ang biktima na si Vilma Oclao, may tatlong anak at resident eng Sitio Pandanon, Barangay Bongalanon, Magpet.

Dagdag pa ni Siangco, ang biktima ay nagtamo ng tatlong sugat sa ulo na dulot umano isang matigas na bagay: isa sa kaniyang noo at dalawa naman sa likod.

Ayon sa report , maaring ang naging motibo sa pagpatay ay pagnanakaw, dahil sa nawawala rin ang pera at digital camera ng biktima.

Sa naging pahayag naman naman ng asawa ng biktima, umalis ito ng bahay papunta sa kanyang trabaho sa kalapit lang na barangay , bandang alas syete ng umaga, webes. Nakita pa n yang kabiyak na nag didilig ng halaman, bigla nalang umano syang nagulat ng nabalitaan na patay na ang asawa.

Agad naman nitong dinala ang katawan ng kanyang asawa upang ma-examina at masiguradong walang panghahalay na nangyari sa biktima.

Ang lumabas namn sa naging examinasyon ,hindi naman na rape ang biktima bago pinatay, ayon kay Siangco.

Sa ngayon, ang hiling ng pamilya ay sanay mabigyan ng hustisya ang naging kamatayan ng kanilang kapamilya.

Ayon naman sa PNP Magpet, wala pa umano silang lead kung sino ang may-gawa ng naturang pagpatay. Sheena porras, DXVL news.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento