Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Kapitan biktima ng panibagong nakaw-motorsiklo


(Kabacan, North Cotabato/ January 16, 2013) ---Tinangay ng hindi pa natutukoy na mga magnanakaw ang isang motorsiklo sa isang pamamahay ng brgy Kapitan ng Brgy. Malanduage, Kabacan, North cotabato sa pagitan ng alas 2 hanggang alas 4 ng madaling araw kanina.

Batay sa report ng Kabacan PNP ang nasabing motorsiklo ay pag-mamay-ari ni Brgy. Chairman Hadji Ali Maas Makina at residente ng nabanggit na lugar.

Ang nasabing motorsiklo ay isang Honda XRM 125 na may kulay itim at puti. Ito ay nakarehistro sa pangalan ni Brgy. Chairman Makina at may engine no. 222104 at chassis no. 222198.

Ayon sa report, ipinarada lang ang nasabing motorsiklo sa loob mismo ng kanilang bahay.

Nakapasok umano ang mga suspek sa main door ng kanilang bahay sa pamamagitan ng pagtanggal ng lock nito.

Kung mataandaan, pinasok din ng mga di pa matukoy na salarin ang bahay ni Rommel Subillaga, 44-anyos ng Brgy. Aringay at tinangay din ang kanyang motorsiklo na XRM kulay itim na may plate number 6590 MK. (Debby Piñero)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento