(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2013)
---Emosyunal ang mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at kasama sa trabaho
ng pinaslang na bise alkalde ng Kabacan, North Cotabato ni si Pol Dulay.

Kaninang umaga ay isinagawa muna ang public
viewing sa Municipal gymnasium matapos dinala sa simbahan para mag-alay ng misa
at dasal kungsaan alas tres ngayong hapon ay inilibing na si Vice Dulay.
Binigyan ang opisyal ng 21 gun salute, dahil
isa siya’ng retiradong pulis at nagpakawala naman ng tubig ang mga bumbero
bilang pagpupugay sa opisyal matapos na naging kasapi din siya ng mga kagawad
ng pamatay apoy.


Samantala, si Kabacan Vice Mayor Policronio Javier Dulay Sr., ay
ipinanganak noong Pebrero 17, 1942 sa Kabacan, North Cotabato.
Namatay ito sa edad na 70.
Kinilala ang kanyang may bahay na si Florita Aricheta Dulay at biniyayaan
sila ng 5 mga anak, 2 lalaki at 3 babae.
Ang mga magulang ng bise alkalde ay sina Bernardino Campos Dulay at
Alberta Javier Dulay.

Naging patrolman ang opisyal bago naging PFC taong 1975 at naging kasapi
din siya ng Bureau of fire bago pumasok sa hanay ng Pambansang Pulisya ng
Pilipinas taong 1977.
Matapos itong magretiro sa serbisyo, pinasok ng opisyal ang pulitiko
taong 1998 na nahalal bilang konsehal ng bayan hanggang sa sunod-sunod na term
nito kungsaan naging 1st kagawad ito sa dalawang termino.

Nanging kasapi din siya ng Philippine Councilors League, Cotabato
Provincial Councilors federation, Municipal Chapter Councilor League at Knights
of Columbus C 7112.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento