Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ninakaw na motorsiklo, narekober sa isang brgy sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/November 14, 2012) ---Agad na narekober ng mga pulisya kahapon ng madaling araw ang ninakaw na motorsiklo sa Kabacan.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, tinangay ng di pa nakilalang suspek ang kulay pula na single Honda XRM 125 at may plate number 5217 QO bandang alas 3:00 ng madaling araw kahapon.

Nang makarating sa mga otoridad ang report agad na pinakikilos ang alert team ng Kabacan PNP kasama ang ilang elemento ng militar at sa isinagawa nilang checkpoint sa brgy. Kilagasan narekober ang nasabing sasakyan.

Pero nakatakas ang driver ng nasabing motorsiklo kaya bigo pong mahuli ng mga otoridad ang responsable sa nasabing pagnanakaw.

Batay sa report ito na ang higit sa limang kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala sa record ng PNP sa loob lamang ng buwang ito. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento