Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng nalunod na kasapi ng third sex, nakita na!



(Makilala, North Cotabato/ November 14, 2012) ---Nakita na ang bangkay ng flashflood victim na si Arjie Javier, 17 at residente ng New Corilla, Makilala, North Cotabato dakong alas 2:35 kahapon ng hapon partikular sa Brgy. Palma Perez, Mlang, North Cotabato.

Kung matatandaan, si Javier ay nalunod ng malakas na agos ng tubig matapos lumukso ito sa Malasila river noong linggo ng hapon.

Ayon sa report, papauwi na ang kanilang grupo matapos mag-inuman sa isang tindahan pero bigla lamang umanong lumukso ang biktima sa gitna ng rumaragsang tubig ng ilog.


Sa unang pagkakataon ay nagawa pa nitong makatayo sa gitna ng ilog pero sa ikalawang pagkakataon ay tuluyan nang nalunod si Javier dala ng malakas na current ng Malasila river, ito dahil sa pag taas ng tubig sa nabanggit na ilog dala ng malakas na buhos ng ulan.

Sa ngayon nakalagak ang mga labi nito sa Cofreros Funeral Parlor sa nasabing bayan.

Ang Malasila river isa sa apat na malalaking ilog sa bayan ng Makilala na buhat sa nasabing bayan papuntang bayan ng Mlang at Tulunan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento