Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

56th founding Anniversary ng Carmen, North Cotabato; matagumpay na ipinagdiwang kahapon


(Kabacan, North Cotabato/November 16, 2012) ---Dinagsa ng maraming tao ang 56th foundation anniversary ng bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sinabi ni PC/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP na nagging maayos at matiwasay naman sa kabuuan ang culmination program ng bayan matapos na inilagay sa alerto ng pulisya at militar bayan para tiyakin ang seguridad sa bayan.

Naging panauhing pandangal sa programa si Nancy Binay ang anak ni Vice Pres. Jejomar Binay kasama si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Kaugnay nito, abot naman sa 110 mga magkasing irog ang ikinasal sa kasalang bayan na isinagawa nitong nakaraang araw bisperas ng kapiestahan.

Iba’t-ibang programa at aktibidad din ang inihanda kagaya ng ball games at ang search for Mutya ng Carmen at iba pa simula nitong Nobyembre a-sais.

Nakatuon ang selebrasyon sa temang “Strengthening Economic Growth and ecological development”. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento