Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Comelec Kabacan wala pang may naitalang kakandidato sa pagka-alkalde sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ October 5, 2012) ---Hanggang ngayon ay wala pang nag file ng Certificate of Candidacy sa pagka-alkalde ng bayan ng Kabacan.

Ito ang napag-alaman kahapon ng hapon kay Acting election Officer Gideon Falcis kungsaan, aasahan na nila ang pag-dagsa pa ng mga kandidato na mag-fifile ng kanilang Coc’s sa iba’t-ibang posisyon ngayong araw.

Sinabi pa ng opisyal na siyam na mga kakandidato sa pag-ka councilor na ang nag sumite ng kanilang CoC habang ginagawa ang panayam na ito ngayong hapon at posibleng madadagdagan pa ito ngayong araw.

Isa naman ang nag file ng kanyang Coc sa pagka bise alkalde ito ay sa katauhan ni Datu Maido Sultan.

Una na ring tiniyak ng Kabacan PNP na naging mapayapa at maayos sa kabuuan ang apat na araw ng filing ng COC sa Kabacan comelec. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento