Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante at sekretarya na dinukot sa North Cotabato hawak parin ng mga kidnaper


(Libungan, North Cotabato/ October 4, 2012) ---Mas pinaigting ngayon ng pulisya at 40th Infantry Battalion Philippine Army ang rescue operation sa negosyante at sekretarya nito na dinukot ng sampung mga armadong kalalakihan sa Libungan,North Cotabato.

Ayun kay Cotabato PNP Provincial Director SSupt Roque Alcantara na hawak pa rin ngayon ng mga kidnaper sina Alma Cuan Datuwata,may-ari ng Petron Gasoline Station sa bayan ng Libungan at Sekretarya nito na si Cristabel Jorolan.

Sinabi naman ni Libungan Chief of Police,Chief Inspector Bernard Tayong na hindi parin nakipag-ugnayan ang mga suspek sa pamilya ng mga biktima kung sakaling may ransom demand ito.

Handa namang tumulong ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) para iligtas ang mga biktima kung sakaling mapadako ang kanilang kampo ang mga kidnaper.





0 comments:

Mag-post ng isang Komento