Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao huli sa inilunsad na operasyon ng Carmen PNP; kontra illegal gambling

(Carmen, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Arestado ang dalawa katao sa magkahiwalay na operasyon ng Carmen PNP laban sa illegal na sugal.


Kinilala ni PCI Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang mga nahuli na sina Jimmy Padilla at Rudy Espina, nasa tamang edad at kapwa residente ng Poblacion, Carmen, North Cotabato.

Ang mga suspek ay nahuli habang inilulunsad ng Carmen PNP ang kanilang operasyon hinggil sa anti-gambling mula Setyembre a-18 hanggang 21.

Batay sa report, naaktuhang nagpapataya ang mga ito sa game of chance na mas kilala sa tawag sa “Last 2 digits”.

Nakumpiska mula sa mga ito ang cash money na P1, 170.

Inihahanda na ng Carmen PNP ang kasong kakaharapin ng dalawa.

Kaugnay nito, sinabi ni Maribojo na mas pinaigting pa nila ngayon ang kanilang kampanya kontra anumang krimen, particular na dito ang illegal possession of firearms/explosives, illegal drugs at anti-illegal logging, ito ay sa pakikipatulungan nila sa militar at sa suporta ng mga mamamayan ng bayan ng Carmen. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento