Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga kawani ng USM, paparangalan sa 112th Civil Service Anniversary


(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2012) ---Bibigyan ng pagkilala ngayong araw ang ilang mga kawani ng University of Southern Mindanao sa gagawing 112th Civil Service Anniversary program na gagawin sa USM gymnasium alas 8:00 ngayong umaga.

Sinabi ni USM Human Resource Management and Development Director Cynthia Alpas na magiging pangunahing panauhing pandangal at tagapagsalita sa nabanggit na programa si CSC Asst. Regional Director Leopoldo Roberto Valderoza, Jr.

Ang parangal ay ibibigay sa mga empleyado ng Pamantasan na naglingkod ng mahabang panahon sa nasabing institusyon.

28 mga kawani ng USM ang tatanggap ng Bronze award mula sa civil service commission, Silver-10; Gold -24 habang 10 mga kawani naman ng USM ang tatanggap ng loyalty award mula sa Pamantasan, 3 naman sa mga ito ay naglingkod ng abot sa 40 taon at 18 namang mga retirees din ang mabibigyan din ng kahalintulad na pagkilala.

Inaasahan namang dadalo ang lahat ng mga faculty and staff ng USM sa nasabing programa.
Nakasentro ang selebrasyon ngayong taon sa temang: “Kawani, Ikaw Ay Isang Lingkod Bayani!” (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento