Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Number 9 most wanted person sa Kidapawan City, boluntaryo’ng sumuko sa mga awtoridad; Suspected Drug Courier huli sa buy-bust raid ng Kidapawan City PNP


(Kidapawan City/September 26, 2012) ---BOLUNTARYONG sumuko ang number 9 most wanted person sa Kidapawan City na si Jamar Espero Gatchalian, 28-anyos, taga Bautista Street.
       
Ang akusado ay may kasong murder na may criminal case number 496-2007 na inisyu ni Judge Rogelio Narisma.
       
Si Gatchalian ay personal na tumungo sa opisina ni Major Elmer Guevarra, head ng Criminal Investigation and Detection group o CIDG.

       
Ayon sa report, si Gatchalian ay isa sa labing limang mga suspect sa pagpatay kay Glenn Magallosa sa may Dnoks bar sa Kidapawan City Sports Complex noong 2007.
       
Ayon kay Guevarra, posible’ng makalaya si Gatchalian gaya ng ibang mga nahuling suspek dahil ‘di na tinututukan ng pamilya ng biktima ang kaso.
       
SAMANTALA, huli ang isang suspected drug courier na si Wilson Alarcon, 30-anyos, taga Plaridel Street, Kidapawan City.
       
Ang buy-bust operation ay isinagawa sa barangay Sudapin, bandang alas sais y medya, kagabi.
       
Nakuha sa suspek ang tatlong mga sachet ng pinaghihinalaang shabu at 500 peso bill na marked money.
      
 Ilang araw mula ngayon ay isasampa na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act kontra sa suspek. (MCM) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento