Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang bayan sa Maguindanao; muling niyanig ng pagsabog


(Pagalungan, Maguindanao/August 10, 2012) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pagalungan, Maguindanao alas 8:15 kagabi.                                                        
Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung anung klaseng pampasabog ang gumulantang sa mga residente ng Sitio Egam, Brgy. Galakit ng nabanggit na bayan, kungsaan ilang metro lamang ang layo nito sa kampo ng 38th IB, Philippine Army. 

Wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insedente.                  
Agad namang ikinasa ng mga sundalo sa pamumuno ni 1Lt. Benjamin de Peralta ang mobile patrol sa Pikit-Pagalungan Highway at sa ilang bahagi ng Datu Montawal para sa posibleng pagkaka aresto ng mga responsible sa nasabing pambobomba.                                                             
Naniniwala naman ang opisyal na posibleng may kinalaman ito sa mga panghaharass ng rebeldeng grupo sa ilang lugar ng Maguindanao at North Cotabato. (Rhoderick Beñez)                                                                                                                

0 comments:

Mag-post ng isang Komento