Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa sa mga kasapi ng BIFF at most wanted sa bayan ng Banisilan, nasakote ng mga otoridad


(Banisilan, North Cotabato/August 10, 2012) ---Arestado ng mga elemento ng Banisilan PNP ang sinasabing isa sa mga most wanted na personahe sa bayan.

Kinilala ni PCI Richzel Alucilja, hepe ng Banisilan PNP ang suspek na si Bagi-bagi Guila Dumila alias Kumander bagi na nahuli sa loob ng Public Market, Poblacion ng nabanggit na bayan alas 4:45 ng hapon kamakalawa.

Ang suspek ay hinuli sa bias ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Lily Laquindanum ng RTC 12, Branch 24, Midsayap, Cotabato dahil sa kaso nitong murder.

Ang suspek ay sinasabing kasapi umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter ng BIFM na pinamumunuan ni Ustadz Ameril Umbra Katu, ayon sa report.

Agad namang dinala sa korte sa Midsayap ang suspek, para sa tamng disposasyon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento