Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Inspector ng Weena Bus, huli sa buybust operation kagabi


(Kabacan, North Cotabato/August 22, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang inspector ng Weena Bus Company, makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay nito sa Purok National, Brgy. Poblacion, Kabacan alas 10 kagabi.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek na kinilala sa pangalang Sharabi Sultan Namla   sina    Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, Task Force Chrislam Head P/Insp. Tirso Pascual, P/Ins Rolando Dillera kungsaan nakuha mula sa posisyon at sa pamamahay ng suspek ang ilang mga plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

Ayon sa report, kasama pa umano ng suspek sa nasabing illegal na kalakaran ang mismong may bahay nito.

Kasama sa mga sumaksi sa pagkakahuli sa suspek kagabi si Poblacion Brgy. Kagawad David Don Saure. (Rhoderick Benez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento