Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

34-anyos na na lalaki; huling nagtutulak ng illegal na droga


(Kabacan, North Cotabato/August 20, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 34-anyos na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation alas 6:00 ng gabi nitong Biyernes sa mismong bahay nito sa Sinamar 1, Kilagasan, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang nahuli na si Guialil Banog Madigan, 34, magsasaka at residente ng Lower Paatan ng bayang ito.

Narekober mula mula sa posisyon ng suspek ang apat na piraso ng heat sealed plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu bukod pa sa perang narekober na ginawang marked money at ilan pang mga illegal drug paraphernalia’s.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, Task Force Chrislam head P/Inps. Tirso Pascual, P/Insp. Rolando Dillera, Cotabato Police Provincial Office at PDEA 12.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive Dangerous drugs act of 2002. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento