Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng 16-anyos na binatilyo na kasamang pinaslang sa Datu Montawal, Maguindanao; narekober na

(Datu Montawal, Maguindanao/July 6, 2012) ---Narekober na ang bangkay ng isang 16-anyos na lalaki na pinaniniwalaang kasamang pinaslang ng kanyang ina sa Datu Montawal, Maguindanao.


Batay sa hiwalay na ulat ng otoridad, nito pang alas 5:00 ng hapon ng Martes unang natagpuan ang bangkay ni Jun-jun Abid residente ng Sitio Bliss, Katidtuan, Kabacan, Cotabato sa African Palm tree plantation sa pag-mamay-ari ng pamilya Montawal.

At pagsapit naman ng gabi ay hinukay ang bangkay ng ina nitong nakilalang si Kongan Abid, 51 residente ng natukoy na lugar at tsaka ito pinaanud sa ilog ng Rio Grande de Mindanao.

Ang bangkay ni Kongan ay narekober ng tropa ni Lt. Aries dela Cuadra ng 7th IB sa Sitio Bialong, Brgy. Bulod, Pagalungan, Datu Montawal, Maguindanao alas 10 ng gabi kamakalawa at agad naman itong inilibing batay sa tradisyon ng muslim.

Pinaniniwalaang ginahasa muna ang singkewnta’y uno anyos na ginang bago brutal na piñata, putol ang kamay at wala ng dibdib ng marekober ng mga otoridad.

Nabatid na ilang araw ring nawawala ang mga biktima sa lugar.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad, kung sino ang nasa likod ng nasabing karumal-dumal na krimen. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento