Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(BREAKING NEWS) Bangkay ng Babaeng ginahasa bago pinatay, putol ang kamay at wala ng suso; narekober sa ilog ng Rio Grande sa Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/July 4, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa pagkakarekober ng bangkay ng isang babae sa ilog ng Rio Grande de Mindanao sa Sitio Bialong, Brgy. Bulod, Pagalungan, Datu Montawal, Maguindanao alas 10:00 kagabi.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng tropa ni Lt. Aries dela Cuadra ng 7th IB, Philippine Army, kinilala ang biktima na si Kungan Abid, 51 taong gulang resident eng Sitio Bliss, Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa opisyal, narekober ang bangkay makaraang hinukay alas 10:00 ng umaga kahapon at pinaanod umano sa ilog kagabi.

Naaganas na ng marekober kagabi ang nasabing bangkay na ayon ay ulat ay ginahawa muna bago pinatay.

Nabatid na ang narekober na biktima ay tatlong araw na umanong missing sa lugar na may kasama pa umanong isang lalaki na patuloy pang pinaghahanap ng mga sundalo at pulisya.

Palaisipan pa sa mga otoridad, kung sinu o anung grupo ang responsable sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)

1 komento: