Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ninakaw na Motorsiklo kaninang Madaling araw sa Matalam, Cotabato; narecover kaagad dahil sa hot pursuit operation ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/January 23, 2012) --- Isang nagngangalang Wilfredo Candia 51 years old, may asawa at residente ng Sitio Domar Barangay Kilada, Matalam, Cotabato ang dumulog kaninang bandang alas sais ng umaga sa Matalam PNP matapos umanong nakawin ang kanyang kulay itim na Bajaj motorcycle, na may plakang 7707 MT.
Hinala ni Candia, nangyari ang pagnanakaw dakong alas dos ng madaling araw.
Kaagad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Matalam PNP sa pangunguna  ni Police Inspector Elias Diosma Colonia kasama ang mga barangay officials at mga sundalo ng Charlie company ng 68th IB.
Dahil dito, matagumpay nilang narecover ang ninakaw na motorsiklo na iniwan lamang ng di pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Mini Cassava at Banana Plantation sa harap ng Manhattan rice mill sa Barangay Kilada.
Dahil dito, naibalik sa tunay na may ari ang kanyang motorsiklo matapos magpakita ng kanyang mga dokumento sa himpilan ng pulis.
Ayon sa report ng pulisya, sa ngayon wala pa silang pagkakakilanlan sa naturang suspek. Kaugnay nito, pinag-iingat ng mga otoridad ang mga mamamayan dahil laganap naman ang nakawan ng motorsiklo. (with report from Virgilio Abatayo) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento