Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang minor de edad, huli sa aktong panloloob sa bahay ng DILG Officer ng Pikit

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 28, 2012) ----Nasa kustodiya ngayon ng Kabacan PNP ang isang menor de edad na lalaki makaraang mahuli sa aktong nanloloob sa bahay ng isang Municipal Interior and Local Operation Officer ng Pikit sa Purok National, Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Vice Mayor Pol Dulay mismong ang may ari ng bahay na si Leo Pulido, nasa tamang edad, DILG Officer ng Pikit at residente ng nabanggit na lugar ang nakahuli sa nasabing suspetsado, na pumasok pa mismo sa loob ng kwarto ni Pulido.

Agad namang ipinadampot ng mga pulisya ang naturang binatilyo at agad na inilagay sa kustodi ng Kabacan PNP at ngayon ay inilipat na sa MSWD upang isailalim sa interogasyon. (with reports from Suzanette Granfil)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento