Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo tinangay sa Makilala

TINANGAY ng mga ‘di kilalang magnanakaw ang motorsiklo na pag-aari ni Melchor Poquito ng Sitio Patulangon, Barangay Malasila sa bayan ng Makilala, alas-dos ng madaling araw, kahapon.

Ayon sa report, ipinarada lang ni Poquito sa loob ng bahay niya ang Honda XRM kulay pula na may plakang 5927 MB nang tangayin ng mga magnanakaw.

Posible na sa kisame dumaan ang mga suspect at pagkatapos ay lumabas sa pintuan sa may likurang bahagi ng bahay, ayon sa report.

Natangay rin ang mahahalagang dokumento ng motorsiklo at cash ng biktima na itinago niya sa U-box ng sasakyan.

Ito na ang pangatlong kaso ng motorcycle theft sa bayan ng Makilala nitong huling quarter ng taon.   

0 comments:

Mag-post ng isang Komento