Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

10 pulis idinagdag na Augmentation team ng Kabacan PNP ngayong pagsapit ng pasko at pagsalubong ng bagong taon

(Kabacan/December 20, 2011) --Tiniyak ngayon ni P/Supt Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang seguridad ngayong papalapit ang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Ito ang inihayag ng opisyal kasabay na rin ng kanilang Christmas Party na ginanap mismo sa Kabacan Municipal Police Station kahapon.

Bisita rin sa naturang salu-salu ng mga pulisya si vice Mayor Pol Dulay kasama ang mga matatas na opisyal ng Kabacan PNP.

Kaugnay nito may idinagdag na 10 pulis mula sa Regional training center mula sa General Santos bilang augmentation team ng Kabacan PNP sa pagtiyak sa seguridad ngayong pagdiriwang ng pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Naging masaya naman sa kabuuan ang Christmas party ng mga pulis kungsaan simultaneous itong isinagawa sa buong bansa na pinangungunahan ni PNP Police chief Nicanor Bartolome mula sa Camp Crame.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na sa pagsimula ng misa de gallo sa Kabacan ay may naka bantay ng pulis sa Christ the King Parish na nasa Bonifacio St., alas 3:30 pa lamang ng madaling araw ito ay para tiyakin ang seguridad ng mga mananambahan tuwing simbang gabi.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento