Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang 48-anyos na magsasaka pinagbabaril sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato) December 24, 2011 --- Sa ulo ang tama ng isang 48-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga riding in tandem na mga suspek sa Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:25 kaninang umaga.

Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Blah Amilol na residente ng Purok Makabinban, Cuyapon, Kabacan na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng karampatang lunas.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay sa motorsiklo matapos maisakatuparan ang pamamaril gamit ang .45 na pistol base empty shell na narekober sa crime scene.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation.

Posible umanong away sa lupa ang motibo ng pamamaril, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento