Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bonuses ng Kabacan LGU, posibleng matatanggap na kasabay ng Christmas program at Year-end thanksgiving party ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato) December 23, 2011 ---    Bagama’t inihayag na ni Kabacan Mayor George Tan ang kanyang inaprubahang pamasko para sa mga kawani ng Kabacan LGU, nakadepende pa rin ito anya sa savings at sa aaprubahan ng Sanngunian ang kanilang matatanggap.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng DXVL FM sa panayam mismo kay Mayor George Tan kahapon, may matatanggap na P10,000.00 mula kay Pnoy at posibleng madadagdagan pa ito ng P20,000.00. ang magiging bonus ng mga empleyado ng munisipyo.

Kaugnay nito, ngayong araw naman gagawin ang LGU Christmas Program at Year-End thanksgiving Party sa Kabacan Municipal gymnasium na magsisimula alas 9:00 ngayong umaga.

Itatampok dito ang mga larong pambata kungsaan bibidahan ito ng mga chikiting dahil naniniwala ang punong ehekutibo ng bayan na ang pasko ay para sa mga bata.

Ito ay pinamagatang “Pamaskong Handog para sa Kabataan ni Mayor George Tan”. (written by: Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento